Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Staycation puwede na sa GCQ area

0 67

Pinayagan na ng Department of Tourism (DOT) ang `staycations’ sa mga hotels na nasa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Nabatid kay Secretary Bernadette Romulo-Puyat na inaprubahan na ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) Management of Emerging Infectious Diseases upang makapagbukas na ang mga aktibidad sa turismo sa panahon ng quarantine.

“A staycation shall involve a minimum overnight stay for leisure purposes in a DOT-accredited Accommodation Enterprise located in proximity with one’s residence,” ayon kay Puyat.

“For instance, residents of the NCR [National Capital Region] can staycation within NCR subject to the requirements of the Local Government Unit (LGU),” dagdag pa nito.

Napapaloob sa memorandum ang mga regulasyon kaugnay sa mga aktibidad at kung ilang katao ang maximum na papayagan sa guest room at gumamit ng ancillary services gaya ng restaurants at recreational areas.

Kasama ang Metro Manila, Bulacan, Batangas, at Tacloban City sa nasa ilalim ng GCQ hanggang Setyembre 30 habang ang ibang bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng modified GCQ. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.