Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Staycation sa Balay Achii

0 113

Mula nang tumama ang pandemya, naging patok na pasyalan ng marami ang mga camping site at farm resort na eksklusibong marerentahan para sa buong pamilya, magbabarkada at magkaka-opisina.

Isa sa dinarayo ngayon ang Balay Achii, ang preskong pahingahan na nakatayo sa gitna ng bukid sa PMI Compound, Barangay Dayap sa Nasugbu, Batangas.

Madali lang mapuntahan ang farm resort na ito. Kung may dalang sasakyan at galing ng Maynila, walang dalawang oras nasa Batangas ka na. I-pin lang sa Waze o Google Map ang location, tiyak na hindi ka mawawala.

Kung magbibiyahe naman, sasakay ka lang ng bus na pa-Nasugbu sa PITX o Parañaque Integrated Terminal Exchange. Mabilis ang biyahe dahil sa Kaybiang Tunnel ang daan nito. Bahagya lang makararanas ng traffic sa ilang bayan ng Cavite bago makarating ng Batangas. Sa kanto na mismo ng Balay Achii ang baba mo kaya less hassle at sure na walang ligaw.

Very relaxing ang farm resort na ito. Malawak kaya maaliwalas. May malaking tree house na may dalawang spacious rooms na de-aircon. May tatlong cabanna malapit sa pool area na puwede ring tigilan ng mga parokyano. Hindi naman maiinitan dahil may electric fan at mosquito-killer kaya iwas-dengue rin.

Kumpleto sa kasangkapan. Puwedeng magluto para makatipid. Bring your own ingredients. May ref naman na puwedeng paglagyan ng wet goods para hindi agad masira. Kung hindi nakabili ng rekado, puwede ring makisuyo sa caretaker ng resort. Very accommodating naman ang mga staff kaya at home na at home ang feel.

Bukod sa pool na talaga namang nakaka-engganyo dahil nagpapalit-palit ng ilaw, ipinagmamalaki rin ng Balay Achii ang kanilang kawa bath. Kasama na ito sa amenities kaya puwedeng magbabad sa warm water ang mga nag-staycation.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang may-ari ng Balay Achii, isang malapit na kaibigan at dating kaklase – si Rael del Mundo. Minsan ko na rin siyang isinulat sa pitak na ito. Mulat sa kahirapan si Rael. Katunayan, nagtinda ng mangga si Rael noong kabataan. Ang naiipong pera, pambaon niya at pantustos sa pag-aaral. Sa pagsisikap ng kanyang mga magulang na nagtrabaho noon sa ibang bansa, napagtapos silang magkakapatid ng kolehiyo.

Maabilidad si Rael. Mula sa pagiging mangga vendor, naging media man siya. Nagtrabaho para sa ilang tinitingalang mamamahayag ngayon gaya nina Mike Enriquez, Sen. Raffy Tulfo at Pia Hontiveros.

Pero ang kapalaran, dinala siya sa pagiging Unit Manager ng insurance company na PruLife UK na kalauna’y naging susi para mas makaipon siya ng pera. Ngayon, bukod sa pagiging financial advisor, isa na rin siyang negosyante.

Para kay Rael, hindi niya makakamit ang tagumpay na ito nang walang basbas at gabay mula sa Panginoon. Kaya naman, abut-abot ang kanyang pasasalamat, pati na rin sa mga kaanak, kaibigan at malalapit sa buhay na laging handang umalalay sa kanya.

Ang ‘Balay Achii’ ay mula sa salitang Balay na ang ibig sabihi’y Kanlungan. Gusto raw ni Rael na maging ‘haven’ ito ng mga parokyano. Halaw naman sa Hebrew term ang Achii na ang ibig sabihi’y Beloved Brother.

Sa mga gustong bumisita sa Balay Achii, puwede kayong mag-message sa kanilang FB account.

Leave A Reply

Your email address will not be published.