Abante Tonite Interactive

Staycation sa lockdown

0 641

Department of Education na ang nagsabi, wala nang 4th quarter exams ang mga mag-aaral ng pampublikong paaralan. Ibabase na lang ang kanilang final grade sa class standing at performance tests. Ibig sabihin, officially, on vacation mode na ang mga bata.

Ang masaklap, hindi puwedeng lumabas ng bahay. At risk ang kalusugan kung magtatangka pa rin kayong mamasyal o pumunta kung saan-saan. Unang-una, hindi rin naman makakapunta sa malalayong lugar o probinsiya dahil Luzon-wide ang enhanced community quarantine. Hindi rin makakabiyahe dahil suspendido ang local sea at air travels.

Lahat tayo, on staycation muna!

Sa totoo lang, boring sa loob ng bahay. Kung anu-ano na ngang memes ang lumabas sa FB kaugnay nito. Nariyan ang pabirong sabi na mamasyal ka sa Kuwarto Prinsesa o kaya pumunta ka muna sa Banyo City. Imbes mainip, gawing makabuluhan ang staycation. Oportunidad ito para mas lalong tumibay ang samahan ng pamilya.

Of course, hindi naman natin kalilimutan ang social distancing sa bahay. Pero puwede nating gawing productive ang staycation.

Gamiting pagkakataon ito para maglinis. Importanteng mag-declutter ngayong bakasyon. I-dispose ang mga bagay na hindi na gagamitin. Siyempre, ugaliin ang proper waste management.

Simulan na ring mag-alaga ng indoor plants para luminis ang hangin at mawala ang toxins.

Sure akong marami kayong libro sa bahay. Take time to read para hindi ka ma-bore. Ika nga nila, kung wide reader ka – you’ll go places nang hindi umaalis sa bahay.

Puwede rin kayong mag-try ng bagong food recipe. Magandang bonding time din ito para sa pamilya. Tandaan, ugaliing kumain ng prutas at gulay lalo na ngayong may banta ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Hindi excuse ang pagsasara ng mga gym. Puwede ka pa rin namang mag-ehersisyo sa bahay. Kahit simpleng takbo, push ups at sit ups – ayos na! Mahalaga’y pinagpawisan ka.

Puwede ring mag-movie or series marathon.

Dahil lagi kang online ngayon, iwasang magkalat ng fake news. Magbasa lang sa mga legitimate news website. Alamin ang tama at huwag magrepost ng maling balita na ikakaalarma ng iba.

Ang sa akin lang, nasa kamay ninyo kung paano magiging makabuluhan ang staycation. Keep safe everyone!