Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Staycation’ sa mga NCR hotel pinayagan na

0 59

Maliban sa muling pagbubukas ng mga sinehan at theme park, pinayagan na rin ang `staycation’ sa mga hotel sa National Capital Region (NCR) simula sa Sabado, Oktubre 16.

Ito’y dahil marami na umano ang nakakumpleto ng bakuna sa Metro Manila kung kaya’t pinayagan na ng pamahalaan ang pagluluwag sa ilang paghihigpit kasunod ng desisyong ibaba na sa alert level 3 ang NCR simula Oktubre 16 hanggang 31 dahil sa unti-unting pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 dito.

“Individuals of all ages may check-in for a staycation. However, to ensure the safety of all guests, only those 18 years old and above who are fully vaccinated shall be allowed to book their stay,” ayon sa Department of Tourism (DOT).

Nilinaw pa ng DOT na mga accredited hotel lamang na binigyan ng safety seal certification ng pamahalaan ang maaaring tumanggap ng `staycation guests’.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kabilang umano sa mga hotel na DOT-accredited ang mga sumusunod: Grand Hyatt Hotel, Okada Manila Hotel, Shangri-la at the Fort, Nobu Hotel, Joy Nostalg Hotel & Suites Manila, EDSA Shangri-la Manila, Solaire Resort, Hyatt Regency, Nuwa Hotel ng City of Dreams, The Peninsula Manila, Aruga by Rockwell, Sheraton Manila Hotel, Hilton Manila at Hotel Okura Manila.

Maaari ring tumanggap ng staycation guest ang Conrad Manila, Diamond Hotel Philippines, Discovery Primea, Discovery Suites, Fairmont and Raffles Hotel, Makati Diamond Residences, Marco Polo Hotel, New World Hotel Makati, Sofitel Philippines Plaza, Holiday Inn & Suites Makati, Century Park Hotel, Novotel Manila Araneta City, The Bellevue Manila, Acacia Hotel Manila at Belmont Hotel Manila.

Ipinahayag naman ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ngayong niluwagan na ang alert level ay sisikapin nilang maibalik sa trabaho ang maraming tourism worker lalo pa palapit na ang holiday season. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.