Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Steak at Fajitas

0 128

Dito sa Fort Worth, Texas, napakaraming restaurants na ang specialty ay pag-gi-grill ng karne ng baka o ginagawa itong palaman sa tacos at fajitas. Marami kasing baka rito, mayroon pa ngang long horn at buffalo, kaya mayaman sila sa karne.

Sa mga mahilig mag-steak, magandang subukan ang Herb Butter Basted Steak recipe na nakuha ko sa Publix, isang malaking grocery store sa Amerika. Pero sa halip na ihawin, iluluto ito sa kawaling lalagyan ng butter at iba pang ingredients na pampalasa.

Kailangan mo ng 4 na 1 inch ang kapal na steak na pang-ihaw. Kailangan din ng 2 kutsarang steak seasoning. 4 na kutsarang salted butter, 3 buong bawang na pipisain, 2 kutsaritang dahon ng sariwang thyme. Kailangan din ng cooking spray.

Mag-init ng isang malaki na non-stick pan na panggisa sa medium high heat sa loob ng 2 hanggang 3 minuto. Pahiran ang steak ng seasoning at spray (mantika). Initin ang steak sa pan ng tig 2 o 3 minuto kabilaan hanggang mag-brown ito.

SM food to go Banner Ad

Ibaba ang init sa medium. Magdagdag ng butter, bawang at thyme sa kawali. Iluto rito ng steak ng 3 hanggang 5 minuto sa magkabilang bahagi. Ihalo-halo sa steak ang pinangtimplang nasa kawali. Pagkaluto, iahon na ito.

Pabayaan muna ang steak ng 5 minutong nakatanggal sa kawali bago hiwain.

Ang pagpapahinga ng steak bago iahon ay makakatulong para mas lalong sumarap ito, dahil bumabalik ang juice nito sa karne.

Leave A Reply

Your email address will not be published.