Abante Tonite Interactive

Stefanie darling ng turismo

279

Tatlongpu’t isang kandidata ang nagpakitang gilas sa ginanap na presscon ng Miss Tourism Philippines 2019.

“Promoting Tou-rism thru Beauty, Arts and Culture” ang tema ng naturang beauty pageant ngayong 2019.

Iba’t ibang kandidata na inendorso ng mga Mayor at local tou-rism officers ang maglalaban-laban ngayong taong ito.

Samantala, itinanghal na “Darling of the Press” ang Miss Aurora na si Stefanie Mae Angela Montes.

Ang coronation night ay gaganapin sa probinsya ng Aurora sa darating na July 28, 2019. Dito tatanghalin ang magwawagi bilang Miss Tourism Queen Worldwide, Miss Tourism World at Miss Tourism Universe. (Ronaline Avecilla)