Abante Tonite Interactive

Stefanie pang-award ang beauty

283

Malakas ang laban ni Stefanie Mae Angelica Montes sa Miss Tourism Philippines 2019. Siya ay kinatawan ng Aurora Province. First time niyang sumali sa national pageant.

Love siya ng media sa pagiging magiliw nito kaya nagwagi siyang Darling of the Press ng MTP.

Nagtapos siya ng Political Science sa St. Louise University sa Baguio. Naging Dean’s Lister siya.

Isa rin siyang cancer survivor.

Nagwagi rin ang pamilya ni Stefanie sa 2019 Search for PNP Model Family sa San Luis (Aurora) sa pangunguna ni Police Chief Master Sergeant (PCMS) Sonny Tunay Montes. Dahil dito, kabilang sila sa national nominee. May kaugnayan ang search na ito sa National Crime Prevention week ngayong September. (Roldan C­astro)