Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Step dad niluray anak ng OFW na misis

0 61

Sa kulungan ang bagsak ng isang amain nang mabuking ang panggagahasa nito sa menor-de-edad na anak ng kanyang kinakasamang Overseas Filipino Worker (OFW) sa South Cotabato.

Kwento ni PMaj. Irish Parangan, hepe ng T’boli PNP, tatlong taon na umanong binababoy ng amain ang hindi na pinagalanang biktima.

Anila, ginagawa ito ng suspek habang nasa ibang bansa ang kanyang kinakasama kaya kumpiyansa itong hindi siya mahuhuli.g

Napansin umano ng lola ng bata na wala ng ganang umuwi ang biktima sa kanilang bahay, nang uriratin ay doon na isinalaysay ng bata ang sinapit na kahalayan sa kanyang stepdad.

Nang malaman ito ng lola ay agad silang nagtungo sa himpilan ng pulisya at inireklamo ang suspek.

Agad namang rumesponde ang kapulisan at nahuli ang suspek.

Ngayon ay hawak na ng kapulisan ang amain ng bata. Samantala, nasa kustodiya naman ng Municipal Social Welfare and Development Office ang biktima.

Leave A Reply

Your email address will not be published.