Abante Tonite Interactive

Being in step with shoe care

By
9

Iba’t ibang uri at yari na babagay at kukumpleto sa ating outfit araw-araw… Sinasabi rin na ang unang pinapansin sa isang taong bagong kilala pa lang ay ang kanilang… sapatos. Dahil dito, mahalagang maging maingat tayo sa mga ito. Sumusunod ang ilang mga suhestiyon sa wastong pag-iingat ng ating mga footwear.

Nubuck shoes – Marahang i-brush ang paligid ng sapatos para tanggalin ang mga kumapit na dumi o alikabok. ‘Wag kalimutan na mag-brush sa iisang direksyon lamang dahil kapag sa magkakaibang direksyon ay magmumukhang ‘two-toned’ ang sapatos.

May mabibiling ready-made polish para sa suede at nubuck shoes kunsaan may nakakabit na itong malambot na brush na puwedeng gamitin rin sa paglinis.

Neoprene shoes – Banlawan ang neoprene shoes at saka patuyuin para luminis. Para sa spot cleaning, puwedeng gumamit ng tubig na may sabon at saka ipunas sa dumi gamit ang sponge.

Mainam na pahanginan ang mga ganitong yari ng sapatos para miwasan ang moisture buildup kung saan nagmumula ang mga organismong maaaring maka-degrade ng kalidad ng sapatos.

Leather shoes – Puwedeng iharabas ang leather shoes dahil may angkin itong tibay laban sa mga elemento. Ang susi lang sa pagpapahaba ng buhay ng ganitong uri ng sapatos linisin kaagad hangga’t maaari ang anumang duming dumampi rito.

Sa pagliligpit nito, magandang ideya ang paggamit ng shoe horns o ‘yung mga kahoy na pampasak sa loob ng sapatos para mapanatili ang hugis nito. Kung wala nito, puwedeng acid-free paper na lang ang gamitin.

Ito ‘yung papel na karaniwang nakabalot sa mga bagong-biling sapatos. Bilutin ang mga ito at isiksik sa bandang toe box o ‘yung pinaka-ilong ng sapatos para mapanatili ang hulma nito.

Tandaan ang mga nabanggit kung nais na manatiling rampa-worthy ang mga sapatos na ipapares sa iyong outfit.