Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Stepdad naburyong sa iyak, tinodas 2-anyos

0 41

Kalunos-lunos ang sinapit na kamatayan ng 2-anyos na batang babae sa kamay ng kanyang stepfather na binugbog hanggang sa mapatay ang paslit sa loob ng kanilang tahanan sa Bauang, La Union nitong Miyerkoles ng umaga.

Isinugod ang paslit sa ospital subalit idineklarang dead on arrival ng doktor na tumingin sa kanya.

Arestado naman ang suspek na si Darwin Cortez, 21-anyos.

Base sa ulat ng tanggapan ni Bauang Police Station deputy chief of police Major Renato Gacad, nangyari ang krimen sa loob mismo ng tahanan ng pamilya na nakatira sa Barangay Boy-utan.

Tulog pa ang paslit nang umalis ang ina nito para pumasok sa trabaho at iniwan sa suspek ang kanyang anak.

Paggising ng paslit ay nag-iiyak ito dahilan para maburyong ang suspek kaya pinagsusuntok nito ang biktima sa tiyan hanggang sa mawalan ng malay.

Ayon sa pulisya, unang sinabi ni Cortez na nahulog ang paslit sa hagdanan subalit hindi naniwala ang mga awtoridad nang makita nilang maraming pasa sa katawan ang biktima.

Hanggang sa inamin din ng suspek na pinagsusuntok niya sa tiyan ang paslit dahil ayaw tumigil sa pag-iyak.

Nakakulong na ngayon si Cortez at nahaharap sa kasong murder. (Allan Bergonia) Nahaharap ngayon sa kasong murder si Cortez na nakakulong ngayon sa BPS detention cell. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.