Abante Tonite Interactive

Steph Curry na-sprain pero tuloy ang sabak sa playoffs

291

Positibo pa rin si coach Steve Kerr at ang Golden State Warriors na makakalaro si Stephen Curry sa Game 1 ng first round ng NBA playoffs ngayong weekend.

Una ay sinabi ng team na mild foot sprain ang inabot ni Curry bago natapos ang first quarter ng 112-103 win ng Warriors sa New Orleans Pelicans nitong Martes sa 2018-19 NBA regular season game.

Pagkatapos ng laro, sinabi ni Kerr na nagkaroon ng sprained ankle ang kanyang star.

Abante Hiring – IT dep

“He’s in there icing it,” pakli ng coach sa reporters. “We think he’s going to be fine. He tweaked it, but we weren’t going to mess around.”
Dinagdag ni Kerr na baka iupo muna si Curry sa regular-season finale ng Golden State ngayong araw kontra Memphis Grizzlies.

May 3:21 pa sa first, nawalan ng kontrol si Curry at mukhang pumilipit ang paa. Nanatili pa siya sa laro pero nang magbaon ng jumper 2:43 sa period, sumenyas siya sa bench na ilabas na.

Dumiretso siya sa locker room para ma­tingnan ng Warriors medical personnel.
Sa Smoothie King Center sa New Orleans din inabot ng right ankle injury si Curry noong Dec. 4, 2017, pagkatapos ay halos isang buwang nawala. (VE)