Abante Tonite Interactive

Stephanie nagtakip ng mata nang makasilip ng porno

TONITE BABE Ganda Mo, Teh!

819

Bata pa lang ay dream na ni Stepha­nie Gequillo ang maging beauty queen, iba raw kasi ang pakiramdam niya kapag rumarampa. Siya ang candidate no. 8 sa batch 2 ng Tonite Babe Ganda Mo, Teh!

Si Pane (nickname ni Stephanie) ay 19 years old na tubong San Mateo, Rizal, may taas na 5’ 3”, at ang vital statistics ay 30-24-33. Siya’y 4th year sa San Mateo Municipal College ng kursong BS Psychology. Ang sports niya ay taekwondo, biking, at swimming, samantalang ang hobby naman ni Pane ay dan­cing.

Ano ang reaction niya nang unang nakapanood ng porno movie? Nakapanood na ba siya ng ganito? “Yes po, nakapanood na. Noong unang-unang nakapanood ako ng porno movie, nagtakip talaga po ako ng mata. Bale nagkukumpulan po kasi iyong mga classmate ko, akala ko kung ano ang pinapanood nila, pagtingin ko sex movie pala, babae’t lalaki na nagse-sex po.

“Siguro po, defense reaction iyon dahil first time kong nakakita ng ganoon. Opo, nahihiya ako kaya nagtakip ako ng mata.”

Ano ang favorite se­xual position niya? “Si­guro po ‘yung nakahiga,” nakatawang saad niya.
Iyong ordinary lang? Hindi ba siya nagre-request sa kanyang BF na mag-experiment sa sex? “Hindi naman po, hahaha!”

Ano’ng opinion niya sa mga babaeng gumagamit ng vibrator? “Wala naman po, siguro kung iyon ang gusto nilang way para ilabas ang init ng katawan nila, siguro much better iyon. Kasi mas safe sa STD at unwanted pregnancy.”

Pero, hindi ba kadiri iyon sa palagay niya? “Noong una po, pero si­yempre, siguro ay dapat lang na lawakan ang pang-unawa natin sa mga ganoong bagay.”
How about iyong mga babaeng nagse-self sex? “Ayon, ganoon din po, okay lang po.”

Paano kung OFW ang mister niya at nalulungkot si misis? “Siguro po, ibang sitwasyon naman po iyon. Okay lang po siguro iyon, basta nagse-self sex lang ‘yung babaeng OFW ang mister, as long as yung hindi nakikikabit pa sa iba si misis, hahaha!”

Inusisa rin namin si Stephanie ukol sa wet dreams. Since Psycholo­gy student siya,
bakit nagkakaroon ng wet dreams? “Siguro po desire ng tao…”

Naranasan na ba niya ang wet dreams? “Hindi pa po,” pakli niya. Paano kung ma-experience niya ang wet dreams, gusto ba niyang ma-enjoy iyon nang husto? “Siguro po ay gigising na lang ako, kasi baka po masobrahan naman at hindi na ako magising eh, hahaha!” nakatawang saad pa ni Stephanie.

Sa mga gustong su­mali para maging TONITE Babe maaaring magpunta ngayong araw na ito ng 2PM sa go see sa opisina ng Abante. Tumawag sa 09053595091 para sa ibang detalye. Maari ring ipadala ang inyong close up at whole body picture, bio data sa roldancastro2015@gmail.com, 18 to 28 years old, 5’3” pataas.

Para naman bumoto,­ gupitin sa Abante Tonite si Stephanie Gequillo, Tonite Babe #8 Batch 2 (70 % ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante Tonite na may petsa, lagyan ng pa­ngalan ng nagpadala,­ address at telepono.

May sorpresang premyong nakalaan sa mabubunot na Abante Tonite reader buwan-buwan at may tsansa na makapanood sa grand coronation. Ipadala ito sa TONITE Babe, Abante TONITE office sa 3rd floor Karrivin Plaza Building,­ 2316 Chino Roces Ave­nue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.

Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga empleyado at kamag-anak ng PRAGE Management Services hanggang sa second degree of consanguinity.
Puwede ring mag-like online sa kanyang photo para sa karagdagang puntos (30%). Bisitahin ang Abante Tonite Facebook Page, AbanteTNT sa Instagram. Para masilip ang ibang seksing larawan ni Stephanie Gequillo, dumalaw sa website na www.tonite.abante.com.ph.