Abante Tonite Interactive

Stephenson sa China rin pala ang bagsak

356

Gaya ng aking sinabi sa kolum ko nitong Agosto, nagiging bagsakan ng National Basketball Association talents ang China league.

Dahil nga sa naging maingay na trade rumors sa Los Angeles Lakers simula pa man nang All-Star break ng 73rd NBA 2018-19 season, ngayo’y ‘di na nila ni-renew pa si Lance Stephenson para sa 74th NBA 2019-20 season na magbubukas sa Oktubre 22.

Bumagsak din ito sa Chinese Basketball Association, na kung tutuusin ay ‘di pa naman laos dahil ‘di pa naman gaanong may edad.

Nagpakitang-gilas nga ito gaya ng ibang NBA player na napupunta sa China, tapos ang laro ng kanyang koponan na Liaoning kontra TNT KaTropa sa 2nd East Asia Super League Terrific 12 2019 na binuksan nitong Setyembre 17 at matatapos bukas sa Macau.

Umiskor si Lance ng 31 points, kumalawit ng 6 rebounds, at nag-isyu ng 8 assists sa kanyang unang laro.

Sa isang negosyo kasi gaya ng NBA, kahit ikaw ay magaling kung ‘di ka swak sa sistema ng koponan o kung sila man ay nagre-rebuild, tiyak na ikaw ay ‘di kukunin.

Sa kanilang laban kontra sa ating PBA team na KaTropa, makikita talaga ang pag-angat ng laro ng isang NBA player. Nakairingan pa nga niya si Anthony Semerad.

Wala namang kuwestiyon sa husay ni Lance ­bilang player, ngunit sa kanyang lagay ay mukhang may pinatutunayan ito.

Gaya ng pagbitaw ng Lakers kay Lonzo Ball, nagkamali rin kaya sila sa pagbitaw kay Lance?

***

Kung kayo po ay mayroong reaksiyon o may katanungan, mag-email lamang po sa alecpaolo2016@gmail.com.

Patuloy niyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes ng alas-sais nang gabi sa Abante News Online.
Maraming salamat po!