Abante Tonite Interactive

Stephenson, Semerad nagpang-abot sa Macau

427

Tuloy ang pagiging maangas ni Lance Stepehnson hanggang ngayon, patunay nang pakikipagpang-abot kay David Semerad ng TNT sa East Asia Super League: Thre Terrific 12 Martes ng gabi sa Tap Seac Multisport Pavilion sa Macau.

Unang salang pa lang ng magkabilang kampo nang sumiklab ang insidente sa huling parte ng third quarter kung saan pinagwagian ng pinaglalaruan ni Stephenson na Liaoning China Flying Leopards, 96-91.

Kabilang ang KaTropa sa tatlong Philippine Basketball Association na inimbitahan ng Macau sa liga. Ang dalawa pa ay ang San Miguel Beer at Blackwater.

“It’s just part of the game, we played hard and aggressive and they [the KaTropa] tried to stop me and do whatever it takes,” sambit ni Stephenson tapos ng game. “I wamd with it.”

‘Di tuluyang nagkarambol ang dalawang player dahil sa malamig na ulo na namagitan nilang mga kakuwadra.

Madalas na sangkot ang former Los Angeles Laker sa mga nakakaaway sa NBA, madalas noon kay LeBron James.

“I just played smart tonight and I thought he wanted to hurt me,” panapos ni Stephenson. “It’s just basketball and I’m having fun and I’m happy we won the game.”