Abante Tonite Interactive

Stepheson nalason

341

Inabot ng food poisoning si Alex Stepheson, at napilitang maglaro nang all-Fili­pino Blackwater kontra San Miguel Beer sa unang laro ng PBA Commissioner’s Cup elims sa MOA Arena Biyernes.

Dahil sa sama ng tiyan, hindi na pumunta ng venue ang import at kinalog ng Beermen ang Elite, 127-106, para isalya ang biktima sa 5-2 at sila’y naka-1-2 na.

Ayon kay team manager Pat Aquino, dehydrated ang bruskong reinforcement na malaki ang papel sa 5-1 record ng Elite sa midseason conference bago hinarap ang winless sa dalawang la­rong Beermen. (Vladi Eduarte)