Abante Tonite Interactive

Stewardess sinibak sa wedding proposal

1,971

Kinilig man ang ilang nakasaksi lalo na ang girlfriend na inalok ng kasal ay naging saglit lang ang ‘Cloud 9’ na naramdaman ng magdyowa nang masibak umano sa trabaho ang bride to be.

Nag-viral ang nasabing wedding proposal na ito sa isang airline sa China kung saan habang nasa ere at nagtatrabaho ang di na pinangalang nobya na isang flight attendant ay umeksena ang kanyang pasaherong lover – lumuhod ito sa harap ng kanyang gf, hiningi ang kanyang kamay at inayang magpakasal noong nakaraang taon.

“I really didn’t know my boyfriend will be proposing to me on this flight, thanks for being my witnesses,” sambit naman ng teary-eyed na dalaga sa nakapaligid sa kanila.

Sa halip namang maging success ang moment ng dalawa ay ‘fail’ ito nang sibakin umano sa trabaho ang stewardess dahil sa mga sumusunod:
Wala sa tiyempo ang pagtanggap nito ng proposal dahil nagdulot ito ng komosyon at disturbance sa mga pasahero. Hindi nito sinunod ang passenger safety habang on-duty at unforgivable offense ang kanyang negligence.

Sa isang ulat ay kinorek naman ito ng pinagsisilbihang airline ng FA. Hindi naman umano sinipa sa trabaho si ate girl kundi tuloy pa rin ito sa kanyang serbisyo.

Anuman ang huling nangyari, silbing aral sana ito sa mga nagpaplanong magpakulo at maging romantiko sa kanilang fiancée. (Aivan Episcope)