Abante Tonite
Mabilis sa Balita

STL sa Ilocos, Nueva Vizcaya balik-operasyon na

0 55

Simula kahapon ay binalik na ang operasyon ng mga Small Town Lottery (STL) sa ilang lugar sa bansa ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Batay sa STL announcement na inilabas ni PCSO General Manager Royina Garma, nabatid na kabilang sa magbubukas ng operasyon ang Lucky Pick Amusement & Development Inc. sa Ilocos Norte gayundin ang King’s 810 Gaming Corporation sa Nueva Vizcaya.

“The public is hereby informed that effective September 16, 2020, the STL operations will resume in the following areas only,” nakasaad sa anunsiyo ni Garma. “1. Province of Ilocos Norte: Lucky Pick Amusement & Development, Inc.; 2. Nueva Vizcaya: King’s 810 Gaming Corporation.”

Kaugnay nito, nagpaalala rin naman si Garma hinggil sa pagtalima sa istriktong health and safety protocols. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.