Abante Tonite Interactive

`Stop and go scheme’ sa MMFF parade

275

Pinayuhan kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga residente at motorista sa Taguig City sa gaganaping pagsasara ng ilang kalsada at ‘stop and go schemes’ sa gaganaping Metropolitan Manila Development Authority (MMFF) Parade of Stars sa darating na Disyembre 22 araw ng Linggo.

Ang Taguig City ang host sa naturang parade na sisimulan ng alas-12:00 ng tanghali mula sa Lakeshore C-6, kakanan sa M.L Quezon Avenue, kakaliwa sa MRT Avenue,bago kumanan sa Cuasay, kakanan sa CP Garcia (C-5) Service Road,kakliwa sa Upper Mckinley Road, kanan sa Lawton Avenue – 5th Street, kanan muli sa Mckinley Parkway, kaliwa sa 32nd Street,kaliwa muli sa 7th Avenue, kanan sa 26th Avenue, kaliwa sa 5th Avenue, kanan sa LeGrand Avenue at Chateau Road.

Ang mga float na sakay ng mga artista/ celebrities na kabilang sa opisyal na mga pelikulang pasok sa film festival ngayong taon ay tampom sa nabanggit na parade
.
Ipatutupad ang pagsasara ng mga kalsada sa kahabaan ng ML Quezon (magmula sa Dr. A. Santos hanggang MRT), sa kahabaan ng MRT (buhat sa M.L Quezon hanggang Cuasay), sa kahabaan ng Cuasay (mula sa MRT hanggang C-5), at sa C-5 Service Road panulukan ng Cayetano Boulevard.

Pahihintulutan lamang ang counterflow vehicles sa kahabaan ng Upper Mckinley Road magmula sa C-5 hanggang Lawton Ave., Lawton – 5th Street mula sa Upper Mckinley hanggang Mckinley Parkway, at kahabaan ng 32nd Avenue (buhat sa Mckinley Parkway hanggang 7th Avenue).

Ipaiiral naman ang stop and go traffic sa C-5-Upper Mckinley, C-5 Service Road – Sampaguita bridge, at Mckinley Parkway – 26th Avenue. (Armida D. Rico)

Tonite – Wendys Inhouse Ad