Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Storm kampeon sa WNBA

0 86

Umiskor ng 26 points si Finals MVP Breanna Stewart upang pangunahan ang Seattle Storm sa pagwalis sa Las Vegas Aces, 92-59, sa Game 3 at magkampeon sa pang-apat na pagkakataon sa sa 24th Womens National basketball Association (WNBA) 2020 sa IMG Academy sa Bradenton, Florida nitong Miyerkoles (Manila time).

SM food to go Banner Ad

“I wasn’t sure if I was ever going to be back to where I was,” wika ni Stewart, na hindi nakalaro sa 2019 season dahil sa Achilles injury. “But to be here and see myself playing like this and having so much potential going forward, it’s exciting but also really appreciating what we were able to do this year.”

Ito ang ika-apat na kampeonato ng Seattle tapos noong 2018, 2010 at 2004, kapantay na ang Minnesota Lynx at Houston Comets na pinakamarami sa liga. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.