Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Storm surge inalerto sa bagyong `Rolly’

0 267

Pinaghahanda ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko sa hagupit ng bagyong `Rolly’na inaasahang tatama sa lupa taglay ang lakas ng hangin na aabot ng 175 kilometer per hour hanggang 195kph.

Base sa weather bulletin ng PAGASA alas-singko ng hapon nitong Biyernes, nasa karagatan na ng bansa ang bagyong `Rolly’ kaya lalo itong lalakas habang kumikilos patungong Bicol Region at Aurora-Quezon area kung saan ito magla-landfall sa araw ng Linggo.

Asahan umano ang malalakas na pag-ulan sa buong weekend lalo sa Northern at Central Luzon gayundin sa Bicol Region.

Sa susunod na weather bulletin na ilalabas ng PAGASA alas-11:00 ng gabi ay isasailalim na umano nito sa signal No. 1 sa Northern Samar at Bicol Region.

Bukod sa asahan ang pagdedeklara ng Storm Signal No. 3 at 4 sa mga lugar na daraanan ng bagyong `Rolly’ ay nagbabala rin ang PAGASA ng storm surge sa mga coastal areas sa Aurora, Quezon, Marinduque, Bicol Region at Northern Samar.

Huling namataan ang bagyong `Rolly’ 980 kilometro sa silangan ng Casiguran-Aurora at kumikilos ito sa bilis na 20kph, taglay ang lakas ng hangin na 185kph at bugso na 230kph.

Samantala, ang isa pang bagyo na nasa labas ng bansa at may international name na `Atsani’ay papangalanang `Siony’ oras na pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility.(Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.