Abante Tonite Interactive

‘Straight 5’ puwede sa stagfest — Nick

251

Puwedeng magpasok ng straight five stags sa Agosto 23 para sa mga gustong humabol sa ‘Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby’ series sa Pasay City Cockpit.

“Qualifiers will go straight to the final rounds on Aug. 26 or 30, depending on their scores,” bigkas nitong Martes ni Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) president Nick Crisostomo.

Tatanggapin dito ang ‘early bird’ stags ng LBC, Bakbakan, Digmaan, A-Cup, BNTV, Panay EBC at PSCBC na may entry fee na P7,000 sa derbing itataguyod ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Sa probinsya, bitaw ang finals ngayong Miyerkoles, Aug. 21 sa Bacolor Cockpit sa Pampanga sa mga umiskor ng 2, 2.5, 3, 3.5 at 4 points.

Sasabak ang Pampanga Cockers, One Tarlac Breeders and Cockers Association Inc., United Nueva Ecija Gamefowl Breeders Association at Bataan Breeders and Cockers Club.

Sa iba pang mga de­talye, tawagan lang si Erica sa 0945-4917474 at Ace sa 0939-4724206, 843-1746 at 816-6750. (Enjel Manato)