Abante Tonite Interactive

Strasburg, Nationals tumabla sa Dodgers

0 157

NAGSABWATAN sina Stephen Strasburg at Max Scherzer para ihatid ang Washington Nationals sa 4-2 panalo kontra Los Angeles Dodgers Biyernes ng gabi at itabla ang NL (National League) Division Series sa tig-isang laro.

Naka-strike out si Scherzer sa eighth inning, pero muntikan pang hindi makumpleto ng bullpen ang panalo.

Iginapang ni Daniel Hudson ang ninth, napuno ang bases na may two outs bago na-strike out si Corey Seager para sa save.

Tampok sa final inning ang pilipit at pabagsak nang catch ni third baseman Anthony Rendon sa pop fly ni Cody Bellinger, at ang intentional walk na iniutos ni manager Dave Martinez.

Balik sa Washington ang Game 3 sa Linggo, isasagupa si Scherzer kay Hyun-Jin Ryu.

“I’m going to see how he feels tomorrow,” ani Martinez sa kondisyon ng kanyang starter.

Kapag hindi puwede si Scherzer, si Anibal Sanchez ang huhugutin ni Martinez.

Perfect si Strasburg hanggang fifth inning, naungusan ang katapat na si Clayton Kershaw. Bumato si Strasburg ng one-run ball hanggang six innings, naka-strike out ng 10.

Binasag ni rookie Will Smith ang perfect game ni Strasburg sa two-out single.

Pumalit si Scherzer sa eighth at kinuryente sina Gavin Lux, Chris Taylor at Jok Pederson sa 14 pitches. Bumitaw ng 77 pitches ang 35-anyos na si Scherzer sa NL wild-card game noong Martes, pero umabot pa rin sa 99 mph ang mga bato niya kontra Dodgers na 17 beses na strike-out. (VE)