Abante Tonite Interactive

Straw na damo naimbento

0 334

Malaking ambag sa kanilang bansa at sa buong kalikasan ang imbensyon ng isang lala­king Vietna­mese hinggil sa straw na biodegradable mula sa damo.

Ang nasabing uri ng damo ay tinatawag na Lepironia articulata na makikita lamang sa Mekong Delta region sa kanilang bansa.

Kinilala ang ‘imbentor’ na si Tran Minh Tien, na tubong Vietnam kung saan ang likha nitong straw ay maituturing na ‘organic’ na walang halong kemikal at preservatives.

Nauna rito, lumabas sa website na Greenpeace na umaabot sa 12.7 milyong toneladang plastic ang naiipon sa mga karagatan kada-taon kaya naapektuhan na rin ang sealife.

At dahil na rin sa mga nagkalat na plastic ay mahigit 700 marine species ang napinsala, ayon sa mga scientist kung saan 87% naman umano ng mga uri ng ibon ang nakakain na ng mga plastic.

Ngunit dahil sa produktong hatid ni Tran sa merkado ay malaking tulong ito sa lumalalang problema sa plastic pollution sa iba’t ibang bansa at buong mundo.

Ipinaliwanag pa ni Tran sa isang video kung paano nito hinuhulma ang straw na may dalawang klase — isang dried at isang fresh.

Labis namang huma­nga at pinapurihan ng ilang netizens ang na­sabing Vietnamese at sa kanilang FB post ay nakasaad na:

“[There’s] too much plastic waste so this is a good use for these grass.”

“One step closer to a plastic free world. Keep up the good work.”

“This is a great, sustainable straw. I love it.”