Abante Tonite Interactive

Strike kontra jeepney modernization tuloy sa Hulyo 15

351

Tiniyak ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) na tuloy ang kanilang pagsasagawa ng transport holiday strike sa Lunes, Hulyo 19, bilang pagtutol sa full implementation ng public utility modernization program.

Ayon kay Efren de Luna, National President ng ACTO, lalahok sa nasabing strike ang mga miyembro nito na aabot sa 475,000.

“Initial pa lamang ‘yan at kung patuloy na magbi­bingibingin ang Land Transportation and Franchi­sing Board tsaka namin ikakasa ang nationwide strike initial salvo pa lang ang sa Lunes,” ani De Luna sa Abante Tonite.

Aniya, magtitipon ang grupo sa Lunes sa Quezon City Circle bago mag-alas-siyete at bandang alas-10:00 nang umaga ay magsasagawa naman ng motorcade patungong tanggapan ng LTFRB para kalampagin ito sa kanilang muling panawagan na dahan-dahanin ang jeepney modernization program.

Nilinaw naman nito na hindi sila tutol sa jeepney modernization. Ang hiling ng kanilang grupo ay unti-untiin ito upang lahat ng ACTO member ay makasabay sa napakahigpit at nakalilitong polisiya umano na gustong ipatupad ng LTFRB.

Kabilang umano rito ang pagpilit sa kanila na magtayo ng kooperatiba o korporasyon, pagbili ng mga unit na aabot sa P1.9 o P2.2 milyon na hindi kayang bayaran ng ordinaryong driver. (Riz Dominguez)