Abante Tonite Interactive

Strike pinababalik na mayor

By
0 986

Sumugod ang 400 supporter ni Congressman Strike Revilla sa ancestral house ni dating Senador Ramon Revilla Sr. sa Emilio Aguinaldo sa Panapaan 7, Bacoor City, Cavite upang hilinging tumakbo ito bilang alkalde ng lungsod, kahapon ng umaga.

Hinikayat ng mga tagasuporta si Cong. Revilla na muling bu­malik sa pagiging Ma­yor ng Bacoor bilang katunggali ng hipag at kasalukuyang alkalde na si Mayor Lani Mercado-Revilla, ang may bahay ni dating Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.

Dahil dito, napasugod din sa lugar ang PIO chief ni ­Mayor Lani na si Marzon Figueras para alamin ang sitwasyon kung sino ang nag-utos sa mga ito upang sumugod sa bahay ng pa­milya Revilla.

Dumating din sa lugar ang mga bara­ngay chairman at mga block leader upang magbigay naman ng pagkain sa mga taong sumama para hikayatin ang kongresista na tumakbong muli sa pagka-alkalde ng Bacoor City.