Abante Tonite Interactive

Strikers pinatatag ni Cañete

0 76

Sinalya ni Michael Cañete at ng Bacoor Strikers ang Navotas Uni-Pak Sardines, 78-87, sa unang laro kahapon ng elimination round ng 3rd MPBL Lakan Cup 2019 sa Olivares College Gym.

Kumulekta ng game-high 22 points si Cañete kasahog pa ang apat na rebound upang patibayin ang Bacoor sa solo second spot sa Group B South Division hawak ang 16-5 kartada.

Umagapay rin si Nick Demusis sa Strikers sa kanyang 20 markers, ng 7 boards at 4 dimes para ibigay sa Navotas ang ikalawang sunod na talo nila.

“Siyempre galing kami sa talo [kaya] parang gutom ‘yung team na bumawi agad – bumawi kami sa game,” pahayag ni Cañete matapos makakuha ng talo kontra Basilan noong Oktubre 23.

Kapos ang double-double ni Jhon Bondoc na 15 markers at 10 rebounds para sa Navotas, sadsad sa 5-13 kartada sa Group A North Division. (Aivan Episcope)
Ang iskor:

Bacoor 87 – Canete 22, Demusis 20, Sumalinog 12, Ramirez 10, Mabulac 9, Destacamento 8, Ochea 3, Montuano 2, Acuna 1, Acidre 0, Castro 0, Melencio 0, Pangilinan 0.

Navotas 78 – Bondoc 15, Abdurasad 12, Prudente 9, Melegrito 8, Mamaclay 7, Cabahug 6, Evangelista 5, Guillen 4, Gonzales 4, Taywan 2, Soriano 2, Andaya 2, Bautista 2, Escobal 0, Matillano 0.