Abante Tonite Interactive

Study: Bawas-stress ang paghuhugas ng plato

596

Masarap kumain. Pero pagkatapos ng sarap ay may naghihintay nang hirap sa mga ordinaryong indibidwal – ito ay ang pag­huhugas ng mga kaldero’t plato lalo na kung tadtad ito ng sebo.

Gayunman, batay sa isang pag-aaral sa Florida State University (FSU), lumitaw na ang paghuhugas ng plato ay nakakapagbababa ng stress level lalo na kung ito ay bukal sa kalooban.

Sa ginawang study na pinangungunahan ni FSU doctoral candidate Adam Hanley ay sumailalim sa paghuhugas ng plato ang 51 estudyante. Pero bago ang paghuhugas-plato, inatasan munang magbasa ng passages ang mga ito tungkol sa paghuhugas.

Kalahati sa kanila ay binigyan ng maikli at straightforward na passage habang ang kalahati ay pinabasa ng passage na nakasentro sa pagiging ‘mentally present’ o maluwag sa damdaming pag­huhugas ng plato.

Sa lumabas na resulta ay nadiskubreng ang mga nag-iisip at enjoy na kalahok ay na-inspire pa ng 25% at 27% na bumaba ang stress at nerbiyos samantalang walang nabago sa mga participant na na­kabasa ng simple at straightforward na talata.

Dahil dito, ang suma-total, ayon na rin sa mga nagsagawa ng pag-aaral ay “it appears that an everyday activity approached with intentio­nality and awareness may enhance the state of mindfulness.”