Abante Tonite Interactive

Study: Postpartum depression mas umaatake pagkatapos manganak

By
162

‘Pain after childbirth’ at hindi ‘pain during labor’ umaatake ang postpartum depression.

Ito ang lumabas sa New United States research na iprinisenta sa Anesthesiology 2018 annual ­meeting.

Sa pag-aaral, lumabas na nara­ramdaman ang postpartum depression ng isang ina matapos siyang magluwal ng sanggol at hindi habang nanga­nganak.

Bago ito inanunsiyo ng Brigham and Wo­men’s Hospital sa Boston ay idinaan muna ng mga researcher ang pagsusuri sa 4, 327 na ina na nagsilang ng kanilang supling sa ospital, normal delivery man o sumailalim sa cesarean.

Hinimay ng mga researcher ang nara­ramdamang sakit ng mga ina sa iba’t ibang bahagi ng delivery process, mula sa pagli-labor hanggang sa makalabas na ang mga ito sa ospital.

Dito’y natuklasan nilang konektado ang postpartum depression sa mga nanay na nagpapagaling na mula sa pa­nganganak.

Lumabas din na kabilang sa dahilan nang pag-atake ng postpartum depression ay ang pagi­ging overweight o obese, pananakit ng perineum (sa pagitan ng pwerta at puwet), depression history, anxiety o chronic pain at pagkakaroon ng maliliit na baby na may mababang Apgar scores.

“For many years, we have been concerned about how to manage labor pain, but reco­very pain after labor and delivery often is overlooked,” paglalahad ng lead author na si Jie Zhou, M.D., M.B.A.

“Our research suggests we need to focus more on helping new mothers manage pain after the baby is born.”