Abante Tonite Interactive

Study smarter, not harder

0 205

Julius Segovia

julius-segoviaTotoo namang pag-aaral ang isa sa mga pinakamahirap na g­awain sa buhay mag-aaral, lalung-lalo na sa panahon ngayon na kung saan maraming bagay ang nakapupukaw ng atensyon gaya ng teknolohiya.

Imbis mag-aral, mas pinipili ng nakararami na magbabad sa mga social m­edia site gaya ng Facebook, Twitter, Instagram at iba pa.

May walong taon na akong college lecture­r. Aminado akong eye sore sa akin ang mga e­studyanteng pirming hawak ang cellphone sa klase. Talaga namang nakapipikon na makita silang panay pindot sa cellphone. OK lang kung emergency. Pero madala­s, hindi.

Mahirap i­sisi sa teknolohiya ang pagbab­a ng grades sa klase. Kung tutuusin, nagagamit din natin ang technological a­dvancement gaya ng gadgets sa pag-aaral. May b­enepisyo pa nga rito ang mga estudyante basta sa tama at wastong paraan lang gagamitin.

Kung gugustuhin naman ng isang estud-yante na magkaroon ng mataas na marka, maraming study habits ang tiyak na epektibo.

Unang-una, mahalaga na maglaan ng tiyak na oras sa pag-aaral. Sa dinami-rami ng school projects at home works, mahalagang may tiyak na oras upang tapusin ang mga gawaing ito.

Mahalaga ring ga-wing habit ang pag-aaral. Ibig sabihin, dapat sundin ang nakasanayan na oras ng pag-aaral. Ang pag-aaral kasi ay para ring pagtulog, kapag na-establish na sa atin, tila nagiging routine na rin ito at nakakasanayan na ng ating body clock.

Iwasan din ang pag-poprocrastinate sa mga gawain. Mahirap g­umawa ng isang g­awain na ‘rush’ o ‘yung naghahabol sa deadline. Ugaliing ma-ging maagap. Hangga’t maaari, gawin agad ang mga gawaing ibininigay ng guro para sa huli, hindi ito mamadaliin. Tiyakin ding hindi basta-basta ang output na ipapasa. Always strive for excellence.

Sa paggawa ng a­ssignments, unahin ang mga mabibigat o ‘yung may kahirapan. Mahalaga na mas nabubuhos ang mental capacity sa mga mas mahihirap na paksa kaysa sa mga madadali lang. Sa ganitong paraa­n, mas nahahasa ang isipan sa mga mas komplikadong bagay.

Importante rin na matutunan na maging smarter at hindi harder. Ugaliin dapat na mag-advanced reading bago pa man talakayin ang aralin sa klase. Ang isa o dalawang oras na pag-aaral kada araw ay tiyak na makatutulong upang mapataas ang grado.

Ang sa akin lang, hind­i naman talaga mahirap makakuha ng mataas na grades. Ika nga, kung may tiyaga, may nilaga. Tamang t­iyaga lang talaga ang susi. Samahan mo na rin ng sipag.

Marami sa mga nabanggit na study habit­s ang tiyak na epek-tibo. Kung kaya nga natin isama sa body clock ang pag-Facebook at pag-Mobile Legends, bakit hindi maisama ang pag-aaral? Tandaan, palaging lamang ang may alam! (with inputs from John Alfred Esmilla)