Abante Tonite Interactive

Style n’yo bulok!

Bryant kay Harden, Rockets:

By
192

Lumaki sa Los Angeles si James Harden na iniidolo si Kobe Bryant.

Pero walang bilib ang dating Lakers superstar sa inilalaro ng Houston Rockets.

Sa pananaw ni Kobe ay hindi mananalo ng championship ang estilo ng Rockets na pinadodomina kay Harden ang hawak sa bola.

Abante Hiring – IT dep

“I’m not a fan of it in terms of winning championships,” wika ni Bryant sa interview ng ESPN nitong Lunes.

“I don’t think that style is ever going to win championships,” dagdag niya. “But at the same time. You have to keep your team’s head above water to win games. You have to do what you have to do to win games. And he’s doing that.”

Walang kaso kay Har­den ang sinasabi ni Bryant na hindi kailangang dominahin ang bola para manalo ng kampeonato. Pansamantala lang naman daw ang estilong ‘yun.

“I have to ball-dominate with all the injuries,” sagot ni Harden matapos mag-deliver ng 44 points sa 118-110 panalo ng Houston sa Phoenix Suns.

Kapag naibalik na raw ni Chris Paul ang ritmo at nakapaglaro na muli si Eric Gordon (right knee soreness) ay may ibang opsiyon na raw na huma­wak ng bola.

“Right now he is pro­bably right,” dagdag ni Harden. “This way that we are playing won’t happen in the playoffs, won’t get us where we want to go, but we haven’t had a full roster.”

Sa 50 games, bumitaw na si Harden ng 658 3-point attempts, se­venth-most para sa buong season sa kasaysayan ng NBA.