Abante Tonite Interactive

Suarez bilang Minority leader kokontrahin sa SC

By
0 292

Iaakyat ng grupo ni Marikina City Rep. Miro Quimbo sa Supreme Court (SC) ang isyu sa pananatili ni Quezon Rep. Danilo Suarez bilang lider ng House Minority bloc.

“We need to take it to the Supreme Court para may stability din para sa House. Hindi puwedeng pabago-bago. We cannot change the rules hindi lang in the middle of the ball game pero tapos na ‘yung laro binabago nila ang rules,” giit ni Quimbo sa press briefing kahapon.

“Ito ‘yung hindi naman magiging katanggap-tanggap at tingin ko talagang isang dagok at nakakahiya para sa ating Kongreso na magkaroon ng ganitong karanasan na ang Minority leader ay ini-appoint ng Majority,” dagdag nito.

Kahapon sa isinagawang viva voce voting ay ­pormal nang kinilala si Suarez bilang lider ng House Minority bloc.