Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sub leader ng Maute terror group sumuko

0 184

Hawak ng 103rd Brigade ng Philippine Army sa Kampo Ranao sa Marawi City ang isang sub leader ng Maute Local Terrorist group.

Kinilala ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (Wesmincom) Spokesperson Major Arvin Encinas ang sumukong sub leader ng maute group na si Abdullah Lumzed Arumpac, alyas ‘Afghan’ na sumuko noong Hulyo 14.

Isinuko rin nya ang kanyang Caliber 5.56mm AR15; M16A1 Rifle na may isang short magazine at 20 rounds of ammunition sa mga sundalo. Matatandaang ang Maute local terrorist group ang kinasabwat ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa paglulunsad ng madugong Marawi Siege noong 2017.

Sinabi naman ni Col. Jose Maria Cuerpo II, Commander ng 103rd Brigade na si Arumpac ay sangkot rin sa engkwentro noong 2015 sa Sandab Butig at Ragayan Poona Bayabao na kanyang ikinasugat at ikinamatay ng kanyang tatlong kasamahan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.