Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Subdivision malapit sa Mt. Makiling umusok

0 66

Naalarma ang mga residente ng isang subdivision sa Brgy. Tadlac, Los Baños, Laguna dahil sa biglaang paglabas ng usok mula sa ilalim ng lupa sa ilang bahagi ng kanilang lugar.

Hinihinalang nagmula sa Mount Makiling, na itinuturing na isang inactive volcano, ang sumisingaw na usok.

Nag-inspeksyon na si Los Baños Mayor Antonio Kalaw at iba pang awtoridad para alamin ang pinagmulan nito.

SM food to go Banner Ad

Pinulong din ng alkalde ang mga kawani ng Sangguniang Barangay ng Tadlac, Provincial Environment and Natural Resource Office, DENR-Mines and Geosciences Bureau at homeowners association ng Lakewood Subdivision upang matukoy ang mga susunod na hakbang.

Nagpadala rin sila ng sulat sa DENR-MGB para hilingin na ipaabot kaagad sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangyayari upang makapagsagawa ng kaukulang imbestigasyon sa insidente.

Ang bundok Makiling na nasa 3,580 talampakan ang taas ay isang dormant volcano na nakahimlay sa pagitan ng mga bayan Los Baños, Bay, Calamba City sa Laguna, at Sto. Tomas City sa Batangas.

Walang history ng pagsabog ang Makiling subalit ang presensya ng geothermal features sa maraming mga lugar dito katulad ng mud spring at hot spring ay pagpapatunay umano ng volcanic activism o volcanism ng bundok. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.