Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Subic resort pasaway sa NCR Plus bubble

0 272

Ipinag-utos ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa kanilang regional office sa Central Luzon na imbestigahan ang isang resort sa Subic, Zambales na tumanggap umano ng mga bisita galing sa NCR Plus bubble.

Ito’y matapos makita sa Instagram post ng misis ng media personality na si Anthony Taberna habang nagrerelaks sa Acea Subic Beach Resort.

Sa ilalim ng MECQ, ang mga residente mula sa NCR Plus bubble (Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal) ay bawal sa mga non-essential travel.

Samantala, sinabi naman ng misis ni Taberna sa kanyang IG post na sumailalim silang mag-asawa sa antigen test bago ang kanilang pagtungo sa naturang resort.

SM food to go Banner Ad

“Actually, regular testing of our household is every 14 days,” dagdag ng misis ni Taberna.

Pinaalala naman ni Puyat sa publiko na pinalawig ang MECQ sa NCR Plus bubble hanggang Mayo 14, 2021 kaya mananatiling pinagbabawal ang mga non-essential travel.

Sinabi ni Puyat na kasalukuyan nang nagsasagawa ng beripikasyon ang kanilang regional office at maglalabas ng formal investigation report hinggil sa nasabing isyu. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.