Abante Tonite Interactive

Subido atat nang umangas sa PBA

294

Susubukang dalhin ni Henri Lorenzo ‘Renzo’ Subido ang angas niya sa UAAP pag-akyat sa PBA.

Isa ang 5-foot-7 guard sa 71 rookie hopefuls na nagpalista sa 35th PBA Draft 2019 sa Dec. 8 sa ­Robinsons Place-Manila.

Nag-shine si Subido sa kanyang senior year sa UST, bumida sa playoffs nang tumira ng 3 sa harap ni UP giant Bright Akhuetie para ibalik sa Finals ang Growling Tigers sa unang pagkakataon sapul noong 2015.

“I feel excited about living my dream, which is being able to play in the PBA if given the chance,” aniya.

Ultimate dream ni Subido, tulad ng ibang umuusbong na players, ang makapaglaro sa pros.

“The PBA is what all my hard work was for,” ­dagdag ng 23-anyos na guard.

nanguna sa stepladder semis ang UST tapos ilaglag ang Fighting Maroons, pero nabigo ang mga taga-Espana kina Thirdy Ravena, Isaac Go at Ateneo Blue Eagles sa championship round ng Season 82. (VE)