Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Subleader ng Dawlah Islamiya tumba

0 519

Isa sa mga pinuno ng Daulah Islamiyah ang napatay sa shootout sa mga pulis at sundalo sa Marawi City, Lanao del Sur kahapon.

Kinilala ni Philippine National Police chief Gen. Debold Sinas ang napatay na si Usop Nasis, kilala rin bilang “Abu Asraf”. Isa siyang subleader ng DI-ISIS Lanao at No. 2 man ng Abu Zacaria.

Isisilbi sana kay Abu Asraf ang warrant of arrest para sa tatlong kasong kriminal na murder at frustrated murder pero nakipagpalitan ng putok sa mga pulis at sundalo kasama ang ilang hindi kilalang lalaki.

Tumagal ang bakbakan ng 30 minuto na ikinasugat ng pitong tauhan ng PNP at isang sundalo.

Idineklara namang dead on arrival sa Amai Pakpak Medical Center si Abu Asraf habang nakatakas ang mga kasama niya. (IS/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.