Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Subok na kaya walang humarang

0 253

Nakabawi raw ng todo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakapili niya kay PGen. Guillermo Eleazar bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Sa totoo lang, wala ni isang umangal sa desisyon na ito ng Pangulo. May narinig ba kayo na nagreklamo sa pagkakahirang kay Eleazar? Wala hindi ba?

Kaya naman, todo ang serbisyo at dedikasyon ni Eleazar sa kanyang posisyon. Siyempre, nakasasalalay sa kanyang liderato ang ipapakitang serbisyo ng ating mga pulis sa buong bansa.

Noong Lunes, inilunsad ni Eleazar ang E-Sumbong Mo, Aksyon Ako na reporting system ng mga krimen sa buong Pilipinas.

Kung natatandaan ninyo, nagsimula itong E-Sumbong Mo, Aksyon Ako sa matagumpay na NCRPO sumbong system.

Ang mangyayari rito, ang lahat ng matatanggap na reklamo o sumbong mula sa publiko ay agad na ibabato ng computer system sa mga concerned region/province at station.

SM food to go Banner Ad

Sa ganitong paraan, agad nga namang makikilusan ng pulisya ang sumbong ng mga mamamayan. Ang sabi ni Eleazar, lahat ng klase ng sumbong tulad ng mga kahina-hinalang tao o pangyayari sa paligid, dapat ipinapaalam agad sa pulisya para marespondehan at mahadlangan ang mga posibleng krimen.

Pero may babala rin si Eleazar sa publiko lalo na sa mga prankster. Kung wala kayong magawa at nagti-trip lang kayong manloko at magpalundag sa mga pulis, aba eh kwidaw kayo!

Pinaala ni PNP Tsip na maaring kasuhan ng Anti Cyber Crime ang mga prankster na ito. Napaka-advance na ng teknolohiya kaya madali ng masasakote ang mga kolokoy na prankster.

Matutuwa na naman ang publiko kay Eleazar dahil alam naman natin na ibang klaseng magtrabaho ang Mamang Pulis na ito.

Noon pa man, action man talaga ang PNP Tsip natin. Maraming pulis ang tumino sa kanya. Bumahag ang buntot ng mga malatuba. Doble na nga naman ang sweldo nila para magloko at ipahiya pa nila ang imahe ng pulisya.

Kaya ngayon, asahan natin ang mas de-kalibreng serbisyo ng ating mga pulis kung ayaw nilang makastigo at masipa sila palabas sa kuwadra ng PNP.

Saludo kami sa iyo Sir, karapat-dapat ka talagang tawagin bilang Pulis ng mga Filipino.

Leave A Reply

Your email address will not be published.