Abante Tonite Interactive

Subpoena vs Diokno areglado na

209

Areglado na ang subpoena ng Kamara na mag-oobliga kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno na sumipot sa pagdinig kaugnay sa diumano’y mga iregularidad at ano­malya sa paghawak nito ng national budget.

Kahapon ay inilabas ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kopya ng subpoena na napirmahan na ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

“You are hereby ordered to appear before the Committee on Appropriations in its scheduled committee hearing. Failure to comply with this order is subject to penalty under the law,” bahagi ng nilalaman ng subpoena.

Dakong alas-10:00 nang umaga nga­yong Biyernes (Pebrero 8, 2019) isasagawa ang public hearing sa Speaker Nograles Hall sa South Wing Annex building.

Kaugnay nito, nag-isyu rin ang Kamara ng Subpoena Duces Tecum laban kay Diokno para pilitin itong bitbitin ang lahat ng datos patungkol sa savings at naging diskarte nito sa paggugol ng 2017 at 2018 national budget.