Abante Tonite Interactive

Successful JRA Cup

99

Successful ang Japan­ Racing Festival sa ­MetroTurf nitong Linggo na ang pinakatampok na karera’y ang Japan Racing Association Cup.

Dumating sa pagtitipon ang Chief Representative ng JRA Hong Kong Representative Office na si Hiroyuki Koezuka at isa pang representative na si Masahi Shoju. Dala­wa rin ang mula sa Japanese­ Embass­y sa ­Manila, sina First Secre­tary Kenji­ Terada at M­inister for Economic Affairs ­Makoto Iyori.

Dumating din ang mga kinatawan ng ilang nag-sponsor ng pakarer­a tulad ni Isuzu Philippines­ Corporation president Hajime Koso at Senior­ Vice President Art B­almadrid at Hotel Sogo Sector Head Nelson ­Ordonez at Public­ Relations­ Manager ­Eugene Santos.

Naroon din ang dalawang commissioners ng Philracom — Bienvenido­ Niles Jr. at Dondon Bagat­sing Jr. — na nag-sponsor ng JRA Cup at ang bagong chairman ng GAB na si Baham Mitra. Ilan pa ay si Malvar Vice Mayor Alberto Lat, opis­yales ng Klub Don Juan de Manila, MJCI Racing Manager Ding Magboo, at PRCI Director Juan Eric Salido.

Ang kabayo ng magkasosyong Dr. Nick Cruz at Tony Tan na si Bite My Dust ang nanalo sa JRA Cup at nag-uwi ng tropeo at first prize na P300,000. Sinakyan ito ni Class A rider Jesse Guce.

“Ang buong pamu­nuan ng Metro Manila Turf Club ay na­tutuwa sa napaka-successful na pagdiriwang ng 2016 JRA Cup dito sa Metro­Turf. Kami’y taos-pusong­ nagpapa­salamat sa lahat ng mga tumulong at nagbigay ng suporta upang maging matagumpay ang JRA Cup dito sa MetroTurf.

Nagpapasala­mat din tayo sa pamunuan ng ­Japan Racin­g Association­ at sa Japanese Embassy sa kanilang pagsuporta at pagpapadala ng kanilang mga distinguished representatives,” ang sabi ni MetroTurf Chairman at President Dr. Norberto Quisumbing Jr.

Balikatan ang kara­mihan sa 13 karerang binitiwan noong Linggo, kasama na ang magandang panalo ni I’m Your Lady na pag-aari ni ­Patrick Uy sa Hotel Sogo Trophy Race, ang dehadong si Real Steel ni Bayani Coching sa Tecson Farm Trophy Race, Ariston ni Eda dela Cruz sa Isuzu Trophy Race, at Cool Toto sa DLTB Bus Company Trophy Race.