Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sue ‘di lalayas sa ABS-CBN

0 185

NI: BYX ALMACEN

Dinenay ni Sue Ramirez ang balitang lilipat siya sa ibang TV network. Ito ang pakli niya sa ginanap na finale presscon ng Kapamilya teleseryeng ‘A Soldier’s Heart,

Ayon sa aktres, may kontrata pa raw siya sa ABS-CBN.

Open naman daw siya gumawa ng proyekto sa labas ng Kapamilya network basta maayos lang magpaalam.

Napapabalita ngang magiging bahagi siya ng programang ipo-produce ng businessman at former congressman Albee Benitez sa TV5.

Sey ni Sue, “Nadidinig ko rin ang ganitong balita pero ayaw kong i-preepmt.”

Si Albee ay ang tatay ng boyfriend ngayon ni Sue na si Javi Benitez.

Leave A Reply

Your email address will not be published.