Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sue gigil sa mga kabit

0 132

NI: Archie Liao

Sa vlog ni Karen Davila, nakapanayam niya ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez.

Pagbabalik-tanaw ni Sue, hindi raw niya pinangarap noon na maging artista.

Sumubok lang daw siya sa show business dahil gusto niya noong makatulong sa kanyang pamilya.

Naratay kasi sa banig ng karamdaman ang kanyang ama na isang dating diplomat nang ma-stroke ito.

For more than ten years, hindi rin biro ang ginawang pag-aalaga nila sa ama dahil literally ay lagi itong naoospital.

Dumating nga raw sa puntong tinanong na sila ng doktor kung ano ang desisyon ng pamilya kaugnay sa kalagayan ng ama na noo’y naka-life support na lamang .

Aminado rin si Sue na kulang pa umano ang oras na nakapiling niya ang ama na isang napakabuting tao.

SM food to go Banner Ad

Kung buhay pa nga raw ang ama, wish niya na magkaroon pa siya ng sapat na panahon para makapag-bonding ito.

Tungkol naman sa kanyang showbiz career, masaya na raw siya sa pagsuporta noon sa KathNiel at LizQuen.

Blessing in disguise naman niyang maituturing ang first lead role sa “Ang Babaeng Allergic sa Wi-Fi.”

Thankful naman siya at nabigyan siya ng pagkakataong makasama sa seryeng “The Broken Marriage Vow” kung saan ginagampanan niya ang role ng kabit ni Zanjoe Marudo.

Aniya, kahit marami ang bumibilib sa pagbibigay-buhay niya sa karakter ni Lexie, hindi raw naman siya dinudurog ng mga netizen. Aware raw naman ang mga ito sa tunay niyang pagkatao.

Never daw namang naisip niya na maging kerida dahil malaki ang paniniwala niya sa ‘golden rule.’

Kumbaga, kahit gumaganap na ‘other wonan’ sa serye, aminadong gigil din siya sa mga kabit.

Masaya rin si Sue dahil very supportive ang kanyang nobyong si Javi Benitez sa kanyang karera.

Nilinaw rin niyang never daw itong nag-impose sa kanya sa roles na puwede niyang tanggapin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.