Abante Tonite Interactive

Sue, Javi buking ang holding hands sa beach

695

Habang nararamdaman na ang init ng panahon sa nalalapit na pagpasok ng summer, ­ramdam rin naman ng netizen ang ­pag-init ng social media sa ­unti-unting pagpaparamdam nang mga ­celebrities ng kanilang sexiness.

Nangunguna na dito si Sue Ramirez na nagliliwanag sa apple green two piece bikini suit nito.

Patikim pa lang ito ni Sue sa kanyang netizen dahil hindi pa malala nang todo ang cut ng suot nyang bikini.

Ang nakakaintriga ay pareho ang kulay ng two piece sa post ni Javi Benitez. May ka-holding hands na nakatalikod. Sa comment section ay marami ang nagulat. Binabanggit din ang pangalan ni Sue. Kinikilig ang mga netizen sa naturang photo.

Kung hindi eksena ito sa pelikula nila na ‘Kid Alpha One’ posibleng may relasyon na sila ngayon. (Rey Pumaloy)