Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sue , Maris umalma sa ‘nude photo’

0 264

NI: ROLDAN CASTRO

Imbudo sina Sue Ramirez at Maris Racal sa kumakalat na pekeng nude photo sa social media

“There’s an edited photo of Sue and I spreading online. Kung sino man ang nag-edit nun, wala kang utak. Itigil na ang pambabababoy ng katawan ng mga babae. Pag-aari namin ‘to. 2021 na, manyak ka pa rin? Magbago na,” galit na tweet ni Maris.

Imbyerna rin si Sue sa kanyang caption sa Instagram.

“Repost ko lang ulit tong mga picture na to para hindi kayo NATATANGA sa fake news. Ewan ko ba kung anong dahilan at pinuputakte niyo kami ng ganito. Wag ko lang mahanap ang nagpapakalat ng kung ano-anong katarantaduhan na to.

“Ayoko na sanang magsalita pero ginagambala niyo ang katahimikan ng buhay ko. Umayos kayo. AT WAG TANGA PLS. Wag basta bastang naniniwala sa mga nakikita online. HINDI KAYO PINALAKING UTO UTO. Pls lang. Sumosobra na kayo. Sa mga nakakatanggap ng picture, siguro naman may delikadesa at respeto kayo enough to know na dapat hindi na kumalat pa ang PAMBABABOY na ito.”

Dagdag pa niya, “NAKAKADIRI KA. SA LAHAT NG NAGSHARE NETO AT SA DEMONYO SA LUPA NA GUMAWA AT NAG EDIT NG KABABUYAN NA TO, NAKAKATAWA BA TO PARA SAINYO?!!!!

“Sa 8.1M followers ko, nakikiusap ako sainyo. Tulungan niyo ako na matapos na ang kulturang ito. Kulturang bumababoy sa mga kababaihan. Kulturang MAPANIRA. Kulturang KASUKLAM-SUKLAM.

“THIS CAN HAPPEN TO ANYONE. Sa nakakaalam kung san nagsimula ito, pls contact me through DM. Help me get to the bottom of this.

“HINDI NA TAMA ITO. Masyado na kayong nawiwili sa mga panggagago niyo samin. AYOKO NANG MANAHIMIK. ABUSADO KAYO.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.