Abante Tonite Interactive

Sue matamis na dalaga sa batis

310

Parang isang babaeng nagdadalaga ang dating ng mga bikini photo ngayon ni Sue Ramirez.

Pagkatamis-tamis ang dating ng kanyang alindog sa social media. Hindi siya nagpaka-daring sa suot nitong one piece bathing suit habang tila nasa batis.

Manibalang ang tingin sa kanya ng mga netizen. Lalo na ang mga barako sa mahinhin na aura ng Kapamilya star.

Mula nang magpasilip si Sue, hindi na ito naawat pang magpasilip ng kanyang alindog sa socmed. Parang gusto niyang ibahagi sa lahat na may ibubuga rin naman ang kanyang kagandahan.

Hindi masasabing perfect ang hubog ni Sue pero sapat na ang maganda nitong mukha para pakuluin ang libido ng mga lalaki.

Dahil may dugong banyaga, nakakapanggigil ang pigura ng kanyang balakang at hita. Swak na swak sa mga lalaking gusto ng mga ganitong pangangatawan.

Mabigyan lang ng all-out daring scene si Sue, siguradong maihahanay siya sa mga big stars. (Rey Pumaloy)