Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sue nakasandal sa pader

0 257

NI: ARCHIE LIAO

Iniintriga ngayon si Sue Ramirez dahil kumpara sa ibang dati at mga nananatiling Kapamilya na apektado ng pagsasara ng ABS-CBN ay nasa prenteng posisyon daw ito.

Hirit ng ilang malisyosong kibitzers, hindi raw magiging frozen delight ang career nito dahil nakasandal daw ito sa pader.

Assured na raw ng projects ang aktres kahit hindi mabalik ang prangkisa ng Kapamilya network dahil never raw itong mawawalan ng trabaho sa TV 5 dahil bf nito si Javi Benitez, ang anak ng bilyonaryong blocktimer producer sa Kapatid channel.

Hirit pa nila, parang naka-jackpot daw si Sue .

Katunayan, may show daw ito na prodyus ng Brightlight Productions gaya ng “Oh, My Dad”.

Tapos na rin ang action movie nila na pinagtatambalan ng nobyo.

Pagtatanggol naman ng iba, may talent daw naman si Sue, masipag at madiskarte kaya hindi raw ito mawawalan ng trabaho.

Bagay rin sa kanya ang kanyang role sa “Oh My Dad”.

Leave A Reply

Your email address will not be published.