Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sue proud ang dyowa sa kaseksihan

0 109

NI: VINIA VIVAR

Maging si Javi Benitez ay hindi maiwasang mapa-comment sa sexy photos na ipinost kahapon sa IG ng girlfriend niyang si Sue Ramirez.

Nag-post ng dalawang larawan si Sue na nakasakay siya sa bicycle at naka-sexy 2-piece.

Maikling caption ni Sue, “good morning!!!”

Sa comment section ay dagsa ang positive comments at lahat ay all praises sa kaseksihan ni Sue.

Pero nangunguna ang comment ni Javi na proud na proud sa kanyang GF.

“Sexy naman ng girlfriend ko!” ang pagmamalaki ni Javi.

Matatandaang nagkakilala sina Sue and Javi nang magkatrabaho sila sa Kid Alpha One before the pandemic. Dito sila naging close and later on ay humantong na nga sa isang relasyon.

Kinumpirma nila ang kanilang relasyon last year at nakakatuwang going strong pa rin sila sa gitna ng pandemic.

Leave A Reply

Your email address will not be published.