Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sue ready upakan na kabit

0 193

NI: VINIA VIVAR

Aware si Sue Ramirez na maaari siyang kuyugin ng mga basher. Ito’y dahil sa kanyang role sa The Broken Marriage Vow bilang kabit ni David Ilustre played by Zanjoe Marudo.

Sa original Korean-drama version na The World of The Married kasi ay talagang galit na galit din ang mga manonood sa kanyang karakter . Ginampanan naman ito ni Han So Hee.

Pero ayon kay Sue ay handang-handa naman siya sa galit ng mga tao if ever. In fact, mas ipagpapasalamat pa raw niya ito.

“Sa totoong buhay, hindi ako natatakot na ma-bash kung ang basehan naman ay character. The more na naba-bash ako, the more pa na magpapasalamat ako sa mga tao. At least, na-appreciate nila ’yung ginawa ko dun sa character,” sey ni Sue sa kanyang solo mediacon.

“Alam ko naman na ‘pag binash nila ako, bina-bash siguro nila si Lexy. Pero hindi si Sue,” dagdag pa niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tatanggapin daw niya ang lahat ng galit ng mga manonood at kung pwede ay sasali pa siya sa pangba-bash sa kaniyang karakter dahil kahit siya ay naiinis din kay Lexy.

“Tatanggapin ko po lahat. Hindi po ako para pigilan sila sa nararamdaman at gigil nila sa mga character na gagampanan namin sa ‘The Broken Marriage Vow.’ Go, guys. Sasali pa kong mambash,” natatawang sabi ni Sue.

Pero huwag naman daw sanang umabot sa pisikalan ang galit sa kanya ng mga tao na papaluin pa siya ng payong tulad ng mga nababalitaan niya dati na ginagawa sa mga kontrabida.

Nananawagan po ako sa lahat. Kalma lang po tayo. May pandemic po ngayon. ’Wag po masyadong manggigil. Ang mga puso po ninyo,” pagbibiro ni Sue.

Mapapanood na sa mga ABS-CBN platform ang “The Broken Marriage Vow” sa Jan. 24. Bukod kina Zanjoe and Sue, pinagbibidahan din ito ni Jodi Santamaria.

Leave A Reply

Your email address will not be published.