Abante Tonite Interactive

Sue sinopla ang lalaking taglibog

0 748

Winner ang reaction ni “Cuddle Weather” lea-ding lady Sue Ramirez sa isang mamang taglibog na ang tanong tungkol sa pelikula niya ay: “Bold ba talaga ito? Baka puro paasa lang.”

Ang kuda ni Ramirez sa lalaking maaaring nasa kanyang horny season: “Manood ka na lang ng porn kung puro kabastusan lang naman ang gusto mong mapulot sa kuwento.” Ang ending ni Sue, may LOL emoticon at sinulat niya rin ang name of her katauhan sa pelikula.

Oo nga naman, kung pampatigas at mabilis na makaraos ang iyong hanap, lalaking taglibog, sundin mo ang payo ni Bb. Sue at tiyak ang iyong carnal cravings, satisfied kaagad.

In this day and age na ang access sa porn sites eh just one click sa inyong mouse, not unless of course wala kang desktop o laptop sa bahay, nakakapagtaka pa rin na ang sexual appetites nating mga Pinoy, hindi pa rin satiated, hindi pa rin satisfied, huh!

Paluhurin sa asin ang may sala:
Ella C. ‘di alam na awards night ng Cinemalaya

In my Anthony Ramirez black dress with a long pearl necklace as accent, ang diva that you love, dumalo sa Cinemalaya awards night.

Buti na lang at bongga ang kanilang winners circle or else, handa na akong mag-walkout o kaya magdabog ang bangs in a major, major way. Charot! Hahahaha!

Ang pinakamatagumpay na pelikula, ang “John Denver Trending”. Ang inuwi lang naman nila ay best film, Netpac Jury Prize, ang best actor ay ang acting find and newbie na si Jansen Magpusao, best cinematography, best editing, at best original score.

Visibly emotional at shookt si Magpusao nu’ng siya ay nasa stage. Ayon sa seatmate ko, ang pubescent boy from Antiqueno, first time ang lahat ng mga pangyayari sa kanya, ang makadalo sa presscon, makapanayam, photo ops, magsuot ng suit at ‘yun na nga, manalong pinakamahusay na aktor.

Ang sumunod na pelikulang may tatlong inuwing Balanghai trophies, ang “Iska”. Ang crowd favorite na si Ms. Ruby Ruiz, na first time maging bida, ang tinanghal na pinakamahusay na aktres.

Dressed appropriately and made up like a winner si Ms. Ruiz na ang secret weapon sa pagwawagi, “Nakuha sa dasal!” Sa kanila rin ang best sound design at best screenplay.

Ang isa pang Cinemalaya season 15 favorite, ang “Edward”, ang bring home the bacon nila ay ang Special Jury Prize, best supporting actress para kay Ella Cruz at best production design.

Kung sino man ang may dahilan kung bakit wala si Ella sa awards night, dapat paluhurin sa asin at munggo. Juice colored! Ang rason niya ay hindi raw niya alam na awards night.

Biglang nagka-premium ang babaeng ginawa na ang lahat pero palagiang starlet pa rin ang category. Kung nasa CCP siya, eh ‘di biglang burado ang kanyang pagiging the WHO. Crème dela crème pa naman ang audiences that night. Dapat may one moment in time siya na hindi na puwede pang mangyari muli.

Wagi rin ang “F#*@bois”, ang matinee idol looking Eduardo Roy Jr. ang best director at siyempre pa, dapat lang na si Ricky Davao ang tanghaling best supporting actor.

Masigabo ang palakpakan nang i-announce ang pangalan ni Davao at sa kanyang madamdaming speech, may pahabol pa itong mensahe sa kanyang dalawang leading men na sina Royce Cabrera at Kokoy Dos Santos with matching “I love you” para sa dalawang aktor, na ayon sa chika ni Ricky, naghahampasan ang mga penis nito sa mukha niya sa isang mapangahas na eksena sa pelikula.

Audience Choice Award ang nakuha ng “Belle Douleur” at second box-office champion. “John Denver Trending” ang numero uno sa box-office.
Present sa awards night ang “Children of the River” cast and crew.

Pelikula ni Xian nilibak

No show ang cougar and cub screen couples na sina Mylene Dizon at Kit Thompson para sa “Belle” at sina Sunshine Cruz at Enzo Pineda para sa “Malamaya”.

Luhaan ang “Pandanggo Sa Hukay” at mas lalong luhaan sa karangalan ang nag-uunahang maging worst film sa Cinemalaya ngayong taon, ang “Ani” at “Tabon”.

Hindi dumalo ang actor-director Xian Lim sa gabi ng parangal. It was his manner of saying ayokong makipagplastikan pa sa inyong lahat lalo na nga’t karamihan sa inyo, dinaot at nilibak ang pelikula ko.

Sa mga nagsasabing si this and that ay dapat nominado, wala pong nominasyon sa Cinemalaya. Sa mismong gabi ng parangal, ang dahilan na lang kung bakit nanalo ang isang tao sa kanyang kategorya ang inilalahad. Kaya tigilan na ang mga dramang mas marunong pa kayo sa mga hurado, huh.

Ang mga magpapagalingan sa Cinemalaya sweet sixteen ay ang mga sumusunod: Manny Palo’s “Ang Halimaw”, Rain Yamson II’s “Angkas”, Real Florido’s “Bakit Di Mo Sabihin”, Sheenly Vee Gener’s “Bula Sa Langit”, Paul Sta. Ana’s “Dalagita sa Likod ng Pawikan”, TM Malones’s “Kargo”, Joris Fernandez & Paolo Valconcha’s “Kathoey”, Brilliant Juan’s “Parole”, Jav Velasco’s “Rhino Gurl” at David Corpuz’s “Seperate/Separate”.