Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Suelo kampeon

0 67

PINAGHARIAN ni Arena Grandmaster at Fide Master elect Robert Suelo ang katatapos na second Rojo-J Trading Bullet online chess tournament nitong Biyernes.

Tangan ang itim na piyesa, ang 1996 Philippine Junior champion na si Suelo ay dinaig si Ted Ian Montoyo matapos ang 39 moves ng London System Opening sa one-day event.

Ang Singapore-based na si Suelo ay sariwa pa sa paghahari sa Jolina Icao Youtube Channel Arena nitong Oktubre 13.

Nakipaghatian naman ng puntos si Inaugural champion International Master Angelo Young kontra kay Fide Master Rico Salimbagat para tumapos sa second place na may Arena 97 points. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.