Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sugal sa bakuna, buhay ang taya

0 282

Hindi lang daw isa, hindi lang dalawa, kung hindi higit pa sa lima mga tropapips ang kinakausap ng pamahalaan para pagkunan ng bakuna laban sa COVID-19. Pero lsa ahat ng bakuna, tila may isang tatayaan na sa tingin ng ilang mambabatas eh parang magtatapon lang ng pera.

Sa nakaraang pagtalakay ng Senado, ipinakita ni Senador Sonny Angara ng Finance committee chairman ng kapulungan, kung hanggang saan aabot ang P82.25 bilyon na pondo na maaaring ilaan ng pamahalaan sa pagbili ng bakuna laban sa made in China virus.

Kabilang sa mga bakuna na “susugalan” ng gobyerno natin na kalusugan at buhay ng mga Pinoy ang “nakataya” eh ang Astrazeneca, Novavax, Pfizer, Moderna, Sinovac, Gamaleya (SputnikV), at COVAX Facility.

Iba-iba mga tropapips ang presyo ng mga bakuna, at iba-iba rin ang sinasabing antas ng bisa nila. Bukod doon, mukhang ikinukonsidera rin sa presyo kung ilang beses ang turok (dahil ang iba eh kailangan ng dalawang turok), at paraan ng pag-iimbak na ang ibang gamot at kailangan sa sobrang malamig na storage na higit pa sa negative 20 at mayroon naman kahit lamig lang ng ref eh puwede na.

Kahit nasa mahigit 100 milyon ang populasyon ng Pilipinas, hindi naman daw kailangan na lahat eh mabakunahan. May tinatawag silang takdang bilang o pangkat ng populasyon na sinasabing kapag nabakunahan na ay posibleng matigil na ang pagkalat ng virus.

Sa nabanggit na mga bakuna, lumilitaw na pinakamura ang Novavax P366 at ang Astrazeneca na P610. Kung ito ang bibilhin, aba’y kahit ang buong populasyon eh puwedeng bakunahan.

Sunod na mas mura ang COVAX Facility na P854 na mahigit 96 milyon papulasyon ang puwedeng turukan; at P1,220 naman ang Gamaleya na mahigit 67 milyon Pinoy ang puwedeng bakunahan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinakamahal mga tropapips ang Moderna na aabot sa hanggang P4,500 ang presyo kaya nasa mahigit 21 milyon lang puwedeng maturukan kapag ito ang binili. Sumunod na mahal ang Sinovac ng China na nasa P3,629 ang presyo na halos 23 milyon lang puwedeng makinabang, at P2,379 naman ang Pfizer na puwedeng iturok sa halos 35 milyon Pinoy.

Ang matindi nito, dahil iba-ibang bakuna ang bibilhin, papaano kaya pipiliin ang lugar na pagbibigyan–may roleta kaya na nakalagay ang rehiyon o probinsiya kung anong bakuna ang ipadadala sa kanila?

At tanggapin naman kaya ng mga opisyal sa probinsiya o rehiyon kung sa kanila mapunta ang Sinovac ng China, na kahit pangalawa sa pinakamahal eh sinasabing 50 porsiyento lang ang bisa? Ang ibang mambabatas, sinasabing tapon-pera lang mga tropapips kung Sinovac ang bibilhin.
Parang mas mabuti pa nga naman na sumugal sa Astrazeneca na pangatlo sa mga murang bakuna pero sinasabing 70 percent naman ang bisa.

Noong maibalita kasi mga tropapips na pumirma ng kasunduan ang pribadong sektor para sa pagbili ng nasa 3 milyong doses ng Aztrazeneca, may mga nagtaas ng kilay dahil nga nasa 70 percent lang ang bisa, habang ang ibang gamot tulad ng Pfizer at Moderna eh nasa 90 percent.

Kaya naman hindi nakapagtataka kung may mga kurimaw tayong takot sa bakuna ang napanganga nang mabalita na nasa 50 percent lang ang Sinovac ng China pero interesado pa ring bilhin, kahit pangalawa pa sa pinakamahal?

Ang 50 percent efficiency rate kaya ng Sinovac ang dahilan kaya sinasabing bumili raw ng China ng 100 milyon ng doses ng Pfizer? O may binabalak silang gawin sa bakuna ng Pfizer?

Tutal sinasabi ng Department of Health (DOH) na “okey” lang at pasado raw sa standard ng World Health Organization ang 50 percent efficiency rate ng Sinovac, mungkahi ng mga kurimaw natin, kung itutuloy ang pagkuna ng bakunang ito ng China, ito na lang ang iturok sa lahat ng government officials, at unang bakunahan nang live sa TV ang mga miyembro ng Gabinete, lalo na sina Health Secretary Francisco Duque III at Vaccine Czar Carlito Galvez. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.